Lunes, Agosto 25, 2014

                        SINAUNANG KABIHASNAN NG ASYA
           Ang pag aaral tungkol sa mga nakalipas na na mga pangyayari ay tinatawag na kasaysayan.Ang pag aaral tungkol dito ay tungkol sa paghahanap ng kahulugan at saysay sa mga pangyayari sa nakaraan.Masalimuot ang pag aaral ng sinaunang panahon gamit ang mga nakalap na mga impormasyon na magsisilbing tanging batayan at saligan para sa pagbuo ng kasaysayan dahil noong sinaunang panahon ay wala pang natatagpuang sistema ng pagsulat o hindi pa ito nadidiskubre ng mga sinaunang tao.
          Sa mga panahong nagdaan.malaikng pagbabago ang naidulot sa mga sinaunang tao ng mga nakikitang pag iiba ng mga pangyayari ayon na rin sa pagbabagong nagaganap sa kasaysayan.Ang sinaunang kabihasnan ay himati ng mga arkeologo sa tatlong panahon.Ito ang ;Panahon ng Bato,Panhon ng Tanso, at ang Panahon ng Bakal.
               PANAHON NG BATO (STONE AGE)
  *Panahong Paleolitiko
         Nagsilbing hudyat ng pagtatapos ng Panahon na Yelo anmg pagsisimula ng Panahon ng Paleolitiko.Ang salitang Paleolithic ay nagmula sa wikang griyego na palaios na nangangahulugang “bato”.nagtagal ang panahong ito mula 1,800,000 hanggang 7,000 BC.Ang mga lalaki ang nangangaso at angmga babae ang nangangalap ng ibang pagkain.Hominid,Homo erectus, at Homo sapiens ang tawag sa mga tao sa panahong ito.

  *Panahong Mesolitiko
        Ito ang panahon sa pagitan ng Paleolitiko at Neolitiko.Ang Mesolithic ay nangangahulugang “gitna” mula sa wikang griyego na mesos at lithos na ang ibig sabihin ay “bato”.Ang mga tao sa panahong ito ay nakalikha ng maliit na bato na kung tawagin ay microliths na ginagamit nila bilang kasangkapan sa pangangaso at patalim sa palaso.
  *Panahong Neolitiko
       Nagmula sa salitang Neolithic na ang ibig sabiin ay “bagong bato”.Nagsimula noong 10,000 hanggang 4,000 BC.Dito sila natutong gumawa ng magagandang uri ng kasangkapang bato na pino at makinis.Natuto din silang magtanim na mapagkukunan nila ng kanilang pagkain at paghahabi ng kanilang mga damit.
PANAHON NG TANSO (BRONZE AGE)
      Natuto ang ma taong gumawa ng mga kasamgkapan na yari sa metal sa pamamagitan ng pagpapanday gamit ang apoy na nagging dahilan upang ito ay tumibay.Ang panahong ito ay nagsimula noong 3,600 hanggang 300 BC.Natuto rin silang gumawa ng mga armas tulad ng palakol,punyal,espada na ginagamit nila sa kanilang kaligtasan na yari sa tanso.

ARMAS NA YARI SA TANSO

PANAHON NG BAKAL (IRON AGE)

     Nagsimula noong 1,300 BC hanggang 500 AD.Ang mga Hittite ang unang gumamit ng bakal sa digmaan na nagging dahilan upang lumawak ang kanilang teritoryo.Sa Panahon ng Bakal unang nagkaroon ng sistema ng pagsulat sa kabihasnang natagpuan sa Kanluran,Timog at Silangang Asya.

MGA HITTITE

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento